Monday, April 1, 2013

Pagkain!


Pagkain

Ang pagkain ay isang napakahalagang aspeto ng isang kultura. Hindi lahat ng kultura ay may kanya kanyang tanyag na mga pagkain. Iilan lang din ang may sariling pagkain. Kung papangalanan natin ang mga ito, ito ay ang mga Chinese, Japanese, Korean, Spanish, Vietnamese, Thai, French at Italian. Marami rami pa naman ang mga bansa na may natatanging pagkain ngunit makikita mo na halos lahat sila ay may tinatawag na fusion o paghahalo ng kanilang kultura sa ibang kultura. Marahil ang Amerika ay isa sa mga bansa na may fusion pagdating sa pagkain dahil ang kanilang mga espesyal na ulam ay kung iisipin mo ay hindi naman nagsimula sa kanilang bansa tulad na lamang ng burger, ang burger ay sinasabi na galling sa mga German, ang French fries naman ay galing sa mga French at ang spaghetti at ang pizza ay galing sa mga Italian. Masasabi na kahit ang isang bansa na napakayaman na tulad ng Amerika ay mahina pagdating sa pagkain.
 
Lucban Longganisa
Kung iisipin natin mabuti, tayong mga Pilipino ay may tanyag din na mga pagkain. Mayroon tayong kanya kanyang putahe na kakaiba at malayo sa mga pagkain ng mga ibinanggit ko sa kanina. Tayo ay mayroong mga kakaibang putahe tulad na lamang ng adobo, sisig, kare kare, sinigang, longganisa, tocino, kaldereta, mechado, crispy pata at lechon. Iilan lang yun sa mga putahe natin mga Pilipino na sadyang atin at isa iyon sa mga bumubuo ng ating kultura. Nakalimutan ko pa pala, ang bibingka, sapin sapin, leche flan at ang halo halo. Sa bawat rehiyon ng ating bansa mayroon tayong baryasiyon ng
Vigan Longganisa
ating mga kilalang putahe, mayroong tinatawag na lucban longganisa at vigan longganisa ang pagkakaiba nito ay sa timpla at lasa ng longganisa. Mayroon ding Lechon at Cebu lechon. Ang lechon ay may sarsa at ang Cebu lechon ay hindi na kailangan lagyan ng sarsa dahil sadyang may lasa na ito. Kung ihahambing ko ang kulturang Pilipino sa isang pagkain natin, ikukumpara ko ito sa halo halo, dahil ang Pilipino kahit watak watak at iba iba ay mayroong pa ring mga kalidad na hindi nawawala tulad na lamang ng pagiging masayahin sa kahit anong sitwasiyon at pagiging matulungin tulad din ng halo halo, imposible maging halo halo kung walang gatas at yelo. Iyan ang kulturang Pinoy kaya dapat natin ito’y ipagmalaki.
Halo Halo!

No comments:

Post a Comment