Indigenous Filipino Critical Commentary
Crab Mentality |
Ako’y isang Pinoy, hindi man ako Pilipino dahil sa aking lahi ngunit alam ko na ako ay isang Pilipino sa puso at isipan. Hindi ako naniniwala na para maging Pilipino ay kailangan mong maging Pilipino na may lahi at dugong Pilipino. Ako ay naniniwala na sa aking kilos at mga galaw naipapakita ko na ako ay isang Pilipino. Kumbaga ako ay naniniwala na oo meron ngang tinatawag na lahing Pilipino ngunit unti unti itong nasasapawan ng pagiging Pilipino sa isip at puso. Alam niyo naman na ako ay hindi isang natural na Pilipino, ako ay isang Tsinoy, ang aking magulang ay mga Tsinoy. Ngunit lahat kami ay dito ipinanganak sa Pilipinas at sadyang kung tatanungin kami kun
Alam naman natin lahat na ang Pilipinas ay nasakop ng mga
Kastila, Hapon at mga Amerikano, at dahil doon may mga nakuha tayong mga
natatanging kalidad at paguugali mula sa kanila. Isa na rito ay ang Mañana
habit o sa Pilipino ay ang mamaya na lang. Hindi man natin napapansin ngunit
halos lahat tayo ay may ganitong paguugali na medyo may pagkatamad na kung
pwedeng mamaya na lang gawin ang kailangan gawin, ay gagawin natin iyon. Isa
rin sa mga nakuha natin mula sa mga pananakop ng mga Kastila ay ang “crab
mentality”. Ang crab mentality ay ang paguugali na nakuha ng mga Pilipino mula
sa Kastila na kapag isa ay umuunlad ang mga kasama nito ay hihilain siya
pababa. Ang mga Amerikano naman ay naipabaon sa atin mga Pilipino ang
mentalidad na lahat ng gawa nila at lahat ng sinasabi na “imported” ay sadyang
mas magaling kaysa sa gawang Pinoy.
Aminin na natin na tayong mga Pilipino ay hindi perpekto,
marami tayong mga ugaling hindi maganda ngunit sa lahat pa man nito hindi natin
nakakalimutan na maging mapagmahal at matulungin sa kapwa at ang patuloy na
pagbangon natin sa kahit ano pa man trahedya at problema na harapin natin. Isa
ito sa mga punto natin na mas lamang tayo sa kahit pa sino pa man sa buong
mundo at dapat bigyan natin ang ating mga sarili ng isang malakas na palakpak
dahil tayong mga Pinoy nalugi na at binaha pa ay marunong pa rin tayong ngumiti
at maging masaya sa mga bagay bagay na meron tayo.
Daang daang dialekto man meron tayong mga Pilipino, kalat
kalat man tayong lahat tayo ay Pilipino pa rin at tayo ay nanatiling masaya sa
ating mga sitwasyon, maganda man o masama. At iyon siguro ang isa sa mga rason
kung bakit marami sa mga nangingibansa na mga Pilipino ay sadyang bumabalik sa
kanilang inang bayan dahil “namimiss” nila ang pagiging Pilipino nila dahil
marami akong nabalitaan na Pilipino na nagibansa at ang sabi nila ay malungkot
doon, oo marami ngang pera ngunit hindi naman masaya. Watak watak ang mga tao,
may mga kanya kanya silang buhay. Kapag ako ay pumupunta ng ibang bansa at may
nakikita akong Pilipino ay kinakausap ko sila ng Tagalog at sila ay natutuwa at
naalala nila ang kanilang inang bayan at lagi nilang sinasabi na ang sarap
maging Pilipino. Oo, mahirap man tayo, pandak man tayo masarap pa rin talagang
maging Pilipino.
No comments:
Post a Comment